MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños Linggo ng Kabataan 2025: “Junior Officials" (August 23, 2025)
Published date: Aug 27, 2025
Los Baños Linggo ng Kabataan 2025: “Junior Officials" (August 23, 2025)

LINGGO NG KABATAAN 2025 – JUNIOR OFFICIALS 

Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Neil Andrew Nocon at Vice Mayor Marlo Pj Alipon, katuwang ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan na sina Kgg. Mec Dizon, Kgg. Aldous Perez, Kgg. Jay Rolusta, at Kgg. Myla Alinsunurin, kasama rin sina ABC Liga President Gaudencio Macatangay, SK Federation President Samantha Nicole Banasihan-Ortega, at ang Local Youth and Development Office sa pamumuno ni Mr. Paul Lalap Gaza, matagumpay na naisagawa ang programang LINGGO NG KABATAAN 2025: “Junior Officials” na may temang Local Youth Actions for the SDGs and Beyond, noong Agosto 23, 2025 sa Municipal Multi-Purpose Hall. 

Tampok sa programa ang mga aktibidad gaya ng Seminar, Orientation, at Eleksyon para sa mga kabataang mula sa iba’t ibang paaralan, na nagkaroon ng pagkakataong maging kinatawan at maranasan ang pagiging isang tunay na lider sa pamahalaan. Layunin nitong palawakin ang kaalaman, kakayahan, at tiwala sa sarili ng mga kabataan bilang susi sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan. 

Lubos din ang ating pasasalamat sa mga panauhing nagbahagi ng kanilang inspirasyonal na mensahe: , Ms. Fatima Villaseñor (YDO Laguna)sa katauhan ni Mr. Jay Berba, Ms. Michiko Escalante (MLGOO), at Atty. Albert Anthony Ocampo. at sa mahuhusay na Resource Person Mr. Mark Ryan Talajuron - NYC Presidential Staff Officer I at Ms. Hannah Krystel Castro LGOO II. Gayundin, taus-pusong pasasalamat sa mga organisasyong naging katuwang sa tagumpay ng programa: Tanglaw Youth Organization, Kinetic Society Youth Org., ALAB Youth Org., at Kabataan ng Los Baños Org. 

Pagbati sa lahat ng mga naitalang Junior Officials 2025! Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon, huwaran, at gabay para sa susunod pang henerasyon ng kabataan sa ating bayan. 

#LinggoNgKabataan2025

#JuniorOfficials2025

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 861 Total Views

Related:


;