Dugong Kabataan, Dugong Bayani (Blood Letting Drive) (August 23, 2025)
Isang makabuluhang inisyatiba para sa kalusugan at pagkakawanggawa ang isinagawa sa Los Baños sa pamamagitan ng Blood Letting Drive noong Agosto 23, 2025 sa Municipal Activity Area. Pinangunahan ito ni Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang Local Youth Development Office, Los Baños Municipal Health Office, at ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Federation President Samantha Banasihan-Ortega, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 na may temang “Local Youth Actions for the SDGs and Beyond.”
Sa pakikipagtulungan ni Dr. Jason Factoriza ng San Pablo Medical Center, naging matagumpay ang aktibidad na naglalayong makapagbigay ng sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan at makapagligtas ng buhay sa pamamagitan ng simpleng donasyon. Ipinakita ng mga kabataan at mga kalahok ang diwa ng malasakit at bayanihan, patunay na ang kabataang Los Bañense ay may malalim na dedikasyon sa serbisyo para sa kapwa at sa komunidad.
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
