Tokyo University of Agriculture (Tokyo Nodai) took part in the Los Baños Heritage Walk (August 22, 2025)
Ginanap ang Lakbay Los Baños Heritage Walk nitong Agosto 22, 2025 (Biyernes). Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office at ng Office of the Municipal Agriculturist ay ginabayan ang mga bisitang estudyante mula sa Tokyo University of Agriculture (Tokyo Nodai) sa isang makabuluhang paglalakbay sa mga pook-pamanang kultural at makasaysayang lugar sa bayan ng Los Baños. Sa bawat lugar ay ibinahagi sa kanila ang mga kwentong nakaugat sa pagkakakilanlan ng ating komunidad na nagtataglay ng diwang makabayan at malasakit sa kalikasan.
Bahagi ito ng mas malawak na mithiin ng Lokal na Pamahalaan na palakasin ang turismo ng bayan at itanghal ang natatanging kasaysayan ng Los Baños. Higit pa sa simpleng paglalakad, ang Lakbay Los Baños ay isang makabuluhang karanasan at pagkatuto, isang itong pagkakataon upang damhin ang yaman ng ating kultura, pahalagahan ang ating pinagmulan, at maging katuwang sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
