MENU
Philippine Standard Time:
Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout in Los Baños (August 20, 2025)
Published date: Aug 22, 2025
Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout in Los Baños (August 20, 2025)

AGARANG TULONG, KAAGAPAY SA PAGBANGON! 

Matagumpay na isinagawa ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout ng Department of Social Welfare Development Services (DSWD) sa bayan ng Los Baños sa pangunguna nila Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon nitong Agosto 20, 2025 (Miyerkules), sa Municipal Multipurpose Hall. Ang programang ito ay nagbigay ng agarang tulong-pinansyal sa mga pamilyang nakararanas ng iba’t ibang krisis gaya ng pagkakasakit, pagkawala ng mahal sa buhay, pagkasalanta sa mga nagdaang bagyo, at iba pang hindi inaasahang pangyayari.

Ang payout ay dinaluhan ng mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, kung saan ang kanilang tinanggap na ayuda ay magsisilbing ginhawa at suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na ipinapakita ng Pamahalaan ang malasakit at pagkalinga sa bawat mamamayan, na walang maiiwan sa panahon ng kagipitan.

#AICSpayout

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3702 Total Views

Related:


;