MENU
Philippine Standard Time:
PABATID!
Published date: May 3, 2021
PABATID!

Batay sa Executive Order No. 13, Series of 2021 ng Pamahalang Panlalawigan ng Laguna na nilagdaan ni Gov. Ramil L. Hernandez, ating ipatutupad at susundin ang bagong Curfew Hours mula ika-10 ng gabi hanggang ika-4 ng umaga dito sa ating bayan ng Los Baños mula ika-1 hanggang ika-14 ng Mayo 2021.

Hindi kabilang sa naturang curfew ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) o iba pang indibidwal na maaaring payagan ng batas o kaugnay na panuntunan.

Nakikiisa ang pamahalaang bayan ng Los Baños, sa pamumuno ni Mayor “Kuya Tony” Kalaw, sa istriktong pagpapatupad ng curfew sa ating bayan kaya naman aming inaasahan ang pagsunod at pakikipagtulungan ng ating mga mamamayan.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

 130 Total Views

Related: