MENU
Philippine Standard Time:
Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Payout in Los Baños (August 19, 2025)
Published date: Aug 19, 2025
Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Payout in Los Baños (August 19, 2025)

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) nitong Agosto 19, 2025 (Martes) sa Los Baños Multipurpose Evacuation Center. Ang AKAP ay isang programang naglayon na magbigay ng pampinansyal na tulong sa mga pamilyang kapos ang kita at higit na nangangailangan. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng dagdag na suporta ang mga kababayang hirap matustusan ang kanilang pang-araw-araw na gastusin mula sa pagkain, pang-edukasyon, hanggang sa pangkalusugan.

Isang libong benepisyaryo mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños ang nakatanggap ng ayuda. Isinagawa ang payout sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mga kawani ng Pamahalaang Bayan, at mga katuwang na ahensya. Binigyang-diin ni Mayor Nocon sa kanyang mensahe na ang programang ito ay hindi lamang simpleng tulong-pinansyal kundi simbolo ng malasakit at pagkalinga ng lokal na pamahalaan para sa bawat pamilyang Los Bañense.

Lubos namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa ibinigay na tulong upang maibsan ang bigat ng kanilang gastusin. Ang AKAP Payout sa Los Baños ay patunay na sa sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan, ay mayroong mas matibay, mas inklusibo, at mas maunlad na bayan.

#AKAPpayout

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3574 Total Views

Related:


;