Los Baños strengthened Public-Private Partnership in PCCI 2nd General Membership Meeting (August 13, 2025)
Nagsagawa ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Los Baños (PCCI-LB), sa pamumuno ni President Engr. Grace Bondad-Nicolas, ng matagumpay na 2nd General Membership Meeting (GMM) noong Agosto 13, 2025 sa Conference Room ng Tanggapan ng Alkalde. Ang naturang pagtitipon ay buong-pusong pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, at dinaluhan ng mga miyembro ng pribadong sektor at iba’t ibang stakeholders ng komunidad. Tampok sa GMM ang temang “Rising Los Baños: Gateway to the Heart of Special Science, Nature City and Tourism in Harmony” na naglalayong palakasin ang direksyon ng kaunlarang pang-ekonomiya ng bayan.
Naging panauhing tagapagsalita sina world-renowned urban planner Arch. Felino “Jun” Palafox Jr. at DILG Assistant Secretary Atty. Liavel C. Badillo-Crisostomo na kumatawan kay Secretary Juanito “Jonvic” Remulla Jr., na nagbahagi ng mahahalagang pananaw ukol sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya, pamumuhunan, at turismo. Kasunod ng GMM, isinagawa ang Lakbay Los Baños Heritage Walk na pinangunahan ni Mayor Nocon sa pamamagitan ng Municipal Tourism Office sa pamumuno ni Ms. Edmarie Calungsod at pakikipag-ugnayan ni Mr. Ari Halos, kung saan nasilayan ng mga kalahok ang mayamang kasaysayan at kulturang pamana ng bayan ng Los Baños.
#GeneralMembershipMeeting
#LakbayLosBaños
#HeritageWalk
#PCCILB
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
