MENU
Philippine Standard Time:
Taiwanese students visited the Los Baños Modern Kubo Library (August 12, 2025)
Published date: Aug 18, 2025
Taiwanese students visited the Los Baños Modern Kubo Library (August 12, 2025)

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ng Local Youth Development Officer Paul Gaza, matagumpay na naisakatuparan noong ika-12 ng Agosto 2025 ang pagbisita ng grupo ni Ms. Charmie Palis-Unigo kasama ang mga Taiwanese students sa ating bayan upang tuklasin at maranasan ang ganda ng Modern Kubo Library! 

Sa kanilang pagbisita, nakapagbahagi sila ng oras at kasiyahan sa pagbubukas ng mundo ng kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa, pagpapalawak ng imahinasyon, at pagkilala sa ating kultural na paraan ng pagkatuto. Tunay na inspirasyon ang kanilang gawain patunay na ang pagbabasa ay tulay tungo sa mas malawak na pag-unawa, pagkakaibigan, at pagpapalaganap ng kultura. 

Para sa mga nais ding bumisita at sumilip sa ating Modern Kubo Library, matatagpuan ito sa Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna. Bukas ito sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes: 8:00 AM – 5:00 PM, at Sabado: 8:00 AM – 12:00 NN. Bukas ito para sa lahat. Tara na at magbasa!

 

#ModernKuboLibrary

#TaiwaneseStudentsVisit

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 2445 Total Views

Related:


;