Bakuna Eskwela 2025 (School-Based Immunization) (August 11, 2025)
Sinimulan ang Bakuna Eskwela 2025 noong ika-11 ng Agosto 2025 sa pamamagitan ng School-Based Immunization Program sa mga pampublikong paaralan. Isinagawa ang pagbabakuna para sa mga mag-aaral na Grade 1 at Grade 7 laban sa Measles Rubella (MR) at Tetanus Diphtheria (Td), gayundin para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4 na tumanggap ng Human Papillomavirus (HPV) vaccine upang maprotektahan sila laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa bakuna.
Isinagawa ang programa upang matiyak ang ligtas, libre, at epektibong proteksyon para sa mga mag-aaral, kanilang mga pamilya, at buong komunidad. Hinikayat ang mga magulang at guardian na kumpletuhin at lagdaan ang consent form upang matiyak ang partisipasyon ng mga bata sa programa, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang mas malusog na kinabukasan para sa lahat.
Department of Health (Philippines)Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
