MENU
Philippine Standard Time:
MGLB joined Laguna Aquatech's Lakbayan (August 5, 2025)
Published date: Aug 18, 2025
MGLB joined Laguna Aquatech's Lakbayan (August 5, 2025)

Noong Agosto 5, 2025, nakibahagi sina Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at Hon. Vice Mayor Marlo PJ Alipon sa “Lakbayan” ng Laguna Aquatech sa pump station ng Brgy. Bayog, Los Baños. Tampok sa pagbisitang ito ang mga bagong upgrade sa pasilidad, partikular sa proseso ng water treatment, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng ligtas at malinis na tubig para sa bawat kabahayan.

Mula sa pag-pump hanggang sa treatment, personal na nasaksihan ng ating mga lokal na pinuno kung paano pinangangalagaan ang kalidad ng tubig na iniinom natin, patunay na sa Bayan ng Los Baños, prayoridad ang kalusugan at kapakanan ng mamamayan.  Sama-sama, patuloy tayong magbibigay ng sustainable na tubig para sa lahat!

#LagunaAquatech

#Lakbayan

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 2210 Total Views

Related:


;