Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of August)
Pinangunahan ng General Services Office (GSO) ang lingguhang Flag Raising Ceremony ngayong ikalawang Lunes ng Agosto 2025. Sa pamumuno ni Mr. Anatoly Guinto, OIC-GSO, ibinahagi ng tanggapan ang kanilang mahahalagang accomplishments na patunay ng kanilang patuloy na dedikasyon sa pagbibigay ng maayos, mabilis, at maaasahang serbisyo para sa kaayusan at kahandaan ng ating pamahalaang bayan.
Bilang tampok sa seremonya, isinagawa rin ang panunumpa ng mga opisyal ng AMELBA-UNA, Inc. (Association of Municipal Employees of Los Baños–Laguna) sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon. Dumalo rin sa seremonya sina Vice Mayor Marlo PJ Alipon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, ABC President Gaudencio Macatangay, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.
Kasama rin sa pagtitipon ang mga Department at Unit Heads ng Lokal na Pamahalaan, gayundin ang ating DILG Family kabilang ang PNP, BJMP at BFP na nagpamalas ng kanilang buong suporta. Ang seremonyang ito ay patunay ng matatag na pagtutulungan ng pamahalaan, mga ahensya, at mga kawani upang patuloy na maitaguyod ang isang disiplinado, makabayan, at maunlad na bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
