MENU
Philippine Standard Time:
MGLB joined the ASEAN Day 2025 Celebration (August 9, 2025)
Published date: Aug 18, 2025
MGLB joined the ASEAN Day 2025 Celebration (August 9, 2025)

Ang Bayan ng Los Baños ay Kaisa sa Pagdiriwang ng ASEAN Day 2025! 

Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pagdiriwang ng ASEAN Day 2025 na ginanap nitong Agosto 9, 2025 sa Makiling Botanic Gardens, Mount Makiling Forest Reserve. Ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng ASEAN Centre for Biodiversity (ACB) at ng Department of Foreign Affairs (DFA), bilang paggunita sa ika-58 Anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN.

Bilang bahagi ng selebrasyon, isang symbolic tree planting activity ang isinagawa na dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ASEAN Member States, Dialogue Partners, at mga opisyal mula sa pambansa at lokal na pamahalaan. Ipinahayag ni Mayor Nocon ang mainit na pagtanggap ng Los Baños sa mga panauhin at binigyang-diin ang kahalagahan ng kolektibong pagkilos para sa kalikasan at regional solidarity.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na suporta ng Los Baños sa mga adbokasiyang pangkalikasan at internasyonal na kooperasyon para sa isang inklusibo at sustinableng kinabukasan. 

#ASEANDay2025

#ACB

#SamaSamaSaASEAN

#TreePlantingForTheFuture

#SustainableASEAN

#LosBañosForBiodiversity

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1832 Total Views

Related:


;