MENU
Philippine Standard Time:
TGP Partylist Crisis Assistance Relief Goods Distribution (August 8, 2026)
Published date: Aug 18, 2025
TGP Partylist Crisis Assistance Relief Goods Distribution (August 8, 2026)

Sa pangunguna ng ating butihing  Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ni Hon. Konsehala Leren Mae Bautista, buong puso nating sinuportahan ang programang inilunsad ng TGP Partylist sa pamumuno ni Congressman Bong Joson Teves Jr., ang “TGP Partylist Crisis Assistance Relief Goods Distribution.” Layunin ng programang ito na maipahatid ang agarang tulong at pagdamay sa ating mga kababayang nasalanta ng matinding bagyo, bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na maging kaagapay sa panahon ng krisis.

Ginanap ang pamamahagi ng relief goods nitong ika-8 ng Agosto sa Batong Malake Covered Court, kung saan maraming pamilyang naapektuhan ng sakuna ang nabigyan ng pagkain, pangunahing pangangailangan, at panibagong pag-asa. Sa tulong ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya, patuloy nating pinapatunayan na sa Bayan ng Los Baños, walang maiiwan, bawat isa ay may karapatang maramdaman ang malasakit, tulong, at tunay na serbisyo.

#TGPPartylist

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 689 Total Views

Related:


;