MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: MAYOR KALAW DUMALO SA UNANG ARAW NG PAGBABAKUNA SA UPLB VACCINATION HUB NA BAHAGI NG PAGTUTULUNGAN NG PAMAHALAANG BAYAN AT UP LOS BANOS
Published date: Apr 23, 2021
TINGNAN: MAYOR KALAW DUMALO SA UNANG ARAW NG PAGBABAKUNA SA UPLB VACCINATION HUB NA BAHAGI NG PAGTUTULUNGAN NG PAMAHALAANG BAYAN AT UP LOS BANOS

Dumalo si Mayor Antonio “Kuya Tony” Kalaw sa unang araw ng pagbabakuna sa UPLB Vaccination Hub na bahagi ng kolaborasyon ng pamahalaang bayan at UP Los Banos upang mapabilis ang pagbabakuna ng mga mamamayan sa bayan ng Los Banos.

Sa pangunguna ni Dr. Myla Lourdes R. Avena, Deputy Director ng University Health Service (UHS), ay nagsagawa ng maikling tour sa pasilidad. Kasama ni Mayor Kalaw sa paglibot sina Vice Chancellor for Community Affairs na si Forester Roberto Cereno, UP Resilience Institute Director Prof. Genaro A. Cuaresma at UPLB Chancellor Dr. Jose DV Camacho.

Nagkaroon rin ng ceremonial vaccination na bahagi ng naging programa kung saan binakunahan ang isang senior citizen kasama ang mga panauhing pandangal.

Mahalagang yugto ito sa ating bayan kung saan ipinapakita ang pagtutulungan at pagkakaisa ng sektor ng edukasyon at ng gobyerno sa paglaban kontra Coronavirus Disease (COVID-19) ngayong panahon ng pandemya.

Malaki ang pasasalamat ng Alkalde sa Unibersidad dahil sa kanilang inisyatibo na tulungan ang pamahaalang bayan sa pagpapabilis sa pagbabakuna sa Los Banos.

Matatandaan na sa pag-uumpisa ng pagbabakuna ay tanging sa Batong Malake Covered Court lamang isinasagawa ang pagbabakuna sapagkat ito lamang ang venue na malapit sa ospital sakaling magkaroon ng emergency sa mga binabakuhanahan.

Malaking tulong ang inisyatibo ng UPLB upang mas maraming mabakunahan sa bawat araw at mapataas ang proteksiyon ng ating komunidad mula sa nakahahawa at nakamamatay na virus.

Sa isang panayam, hinikayat naman ni Mayor Kalaw ang mga mamamayan ng Los Banos na kunin ang pagkakataon ngayong mayroon nang bakuna na ibinibigay sa mga mamamayan nang libre.

Sa kasalukuyan ay ang mga Senior Citizen at may comorbidities ang binabakunahan sa ating bayan.

Aniya maging siya ay mayroon nang nakatakdang schedule para magpabakuna dahil nais niyang magbigay ng mabuting ehemplo sa mga mamamayan.

Patuloy na hangad ng buong pamunuan ng pamahalaang bayan na magkaroon ng pagkakaisa at magkatulungan ang gobyerno at mga mamamayan sa ating paglaban kontra COVID-19.

 288 Total Views

Related: