NutriSportsfest 2025 Awarding Ceremony (August 8, 2025)
Matagumpay na isinagawa ang Awarding Ceremony ng NutriSportsfest 2025 nitong Agosto 8, 2025 (Biyernes) sa Municipal Activity Area. Isang masigla at makulay na pagtatapos ng linggong puno ng pagkakaibigan at pagkakaisa. Ipinagdiwang hindi lamang ang tagumpay ng mga kampeon sa larangan ng palakasan, kundi maging sa adhikain ng malusog na pangangatawan at isipan.
Isang pagbati sa lahat ng nagwagi sa iba't ibang kategorya, mula sa mga sports events hanggang sa mga kompetisyong nagpapakita ng husay, disiplina, at magandang samahan:
Champion: Maroon Team
1st Runner Up: Blue Team
2nd Runner Up: Yellow Team
3rd Runner Up: Purple Team
Maraming salamat sa lahat ng mga kalahok at opisyal na naging bahagi ng pagdiriwang na ito. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang Nutrisportsfest upang ipagpatuloy natin ang malusog, masaya, at produktibong Los Baños para sa lahat! 
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
