MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon visits Rural Improvement Club (RIC) Villa Adelina at San Antonio (August 7, 2026)
Published date: Aug 8, 2025
Mayor Nocon visits Rural Improvement Club (RIC) Villa Adelina at San Antonio (August 7, 2026)

Sa patuloy na pagtataguyod ng “Serbisyong Diretso sa Tao,” isinagawa ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang pamamahagi ng mga educational flag posters at mga sako ng bigas sa mga Day Care students at masigasig na miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) ng Villa Adelina at San Antonio. 

Ang flag posters, na naglalaman ng makabayang simbolo at impormasyon hinggil sa ating pambansang watawat, ay bahagi ng adhikaing pang-edukasyon ng ating lokal na pamahalaan upang mapalalim ang kamalayan at pagmamahal sa bayan ng bawat pamilyang Los Bañense. Isa rin itong mabisang panturo sa mga tahanan at paaralan, lalung-lalo na sa mga kabataan. 

Kasabay nito, ang pamamahagi ng mga sako ng bigas ay layong tugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilya sa gitna ng patuloy na hamon ng mataas na gastusin sa pagkain. Ang bawat sako ay may dalang mensahe ng pagkalinga, pag-asa, at pagkakaisa isang simbolo na sa Los Baños, may gobyernong tunay na nagmamalasakit. 

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng KANLUNGAN at mga opisyal ng barangay, bilang suporta sa mga kabataan at mga kababaihang aktibong katuwang sa pagsulong ng kabuhayan at edukasyon sa kani-kanilang komunidad. 

Sa pamumuno ni Mayor Neil Andrew Nocon, ang Los Baños ay patuloy na naging kanlungan ng kaalaman at kabuhayan isang bayan kung saan ang pamahalaan ay katuwang ng bawat pamilya sa pag-abot ng maunlad na kinabukasan. 

#SerbisyongDiretsoSaTao

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1055 Total Views

Related:


;