MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Week of August)
Published date: Aug 6, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (1st Week of August)

Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) ang lingguhang Flag Raising Ceremony sa unang Lunes ng Agosto 2025. Sa pangunguna ni LYDO Officer II Arthur Paul John L. Gaza, ibinahagi ang mga makabuluhang tagumpay ng tanggapan pagdating sa mga programang nakatuon sa mga kabataan ng bayan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng International Humanitarian Law (IHL) Month, pinangunahan ng Philippine National Police (PNP) Los Baños ang isang makabuluhang seremonya ng panunumpa sa International Humanitarian Law.

Dumalo sa seremonya sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon at mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, ABC President Gaudencio Macatangay at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Buong pusong nakiisa at nagpakita ng suporta ang mga Department at Unit Heads ng Lokal na Pamahalaan, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), at Boy Scouts of the Philippines (BSP), kasama ang dedikado at masisipag na kawani ng munisipyo.

Ang pagtitipong ito ay isang pagpapamalas ng mahigpit na pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan, mga ahensiya, at mamamayan upang mapanatili at mas lalo pang mapasigla ang pagtataguyod ng isang mas disiplinado, makabayan, at maunlad na bayan ng Los Baños.

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 966 Total Views

Related:


;