MGLB NutriSportsfest 2025 Opening (August 5, 2025)
NUTRISPORTSFEST 2025, SIGLA, SAYA, AT PAGKAKAISA ANG DALA!
Isang makulay at masayang NutriSportsfest 2025 ang binuksan nitong Agosto 5, 2025 (Martes) sa Municipal Activity Area. Layunin ng programa na isulong ang malusog na pangangatawan, tamang nutrisyon, at matibay na samahan ng mga kawani.
Tampok sa pagbubukas ang masayang parada ng mga kalahok, pagpapakilala ng iba’t ibang koponan at kanilang muse and escort, pagpapakitang gilas sa group yell, at mga panimulang palaro na nagpasigla sa lahat. Naging patunay ang masiglang pagsali ng bawat isa, mula sa opisyal hanggang sa mga kawani, na tunay na buhay ang diwa ng sportsmanship, teamwork, at bayanihan sa MGLB.
Sa pagsisimula ng Nutrisportsfest, asahan ang isang linggo ng masiglang palaro, kompetisyon, at aktibidad na magpapatibay hindi lamang sa katawan kundi maging sa ugnayan bilang iisang pamilya ng mga lingkod bayan ng Los Baños.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
