Libreng Ulam from Governor Sol Aragones for typhoon affected residents in Los Baños (July 28, 2026)
Taos-pusong nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, kay Governor Sol Aragones para sa ipinamahagi nitong libreng ulam sa mga kababayan sa Bambang Covered Court, Barangay Bambang, na naapektuhan ng nagdaang bagyo. Ang nasabing inisyatiba ay agad na naihatid upang maibsan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang nasalanta.
Ang simpleng handog ay nagsilbing malinaw na simbolo ng malasakit at agarang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna at Pamahalaang Bayan ng Los Baños, higit pang napalakas ang diwa ng bayanihan at serbisyong diretso sa tao, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na dulot ng kalamidad.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
