MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: GRASS CHOPPER AT FEED MIXER IPINAMAHAGI SA MGA MAGKAKAMBING AT MAGBABABOY NG LOS BAÑOS
Published date: Apr 23, 2021
TINGNAN: GRASS CHOPPER AT FEED MIXER IPINAMAHAGI SA MGA MAGKAKAMBING AT MAGBABABOY NG LOS BAÑOS

Ipinamahagi kahapon ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ang 7.0 hp na grass chopper sa Samahan ng mga Magkakambing sa bayan ng Los Baños (SMLB), 200KG-capacity horizontal feed mixer para sa Samahan ng mga Magbababoy (LB Pig) at portable bag closing machine para naman sa Samahan ng mga Magpapalay sa Maahas (Sama-Sama).

Ang mga ipinamahaging makina ay kaugnay ng programa ng Pamahalaang Bayan na palakasin ang sektor ng agrikultura sa bayan ng Los Baños sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan nila na makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng ating mga magsasaka.

Ang grass chopper ay gagamitin sa paghahanda ng ipakakain sa mga alagang kambing lalo na sa proseso ng paggawa ng silage, ang feed mixer naman ay gagamitin ng samahan ng LB Pig para sa preparasyon ng natural feed mix kaugnay sa programang Sustainable Pig Farming ng Los Baños habang ang pagbebenta ng natural feed mix ay magiging karagdagang kita rin ng naturang samahan.

Gagamitin naman ng samahang "SAMA-SAMA" ang bag closing machine para sa mga isinakong bigas pagkatapos dumaan sa single-pass rice miller na ibinigay ng Department of Agriculture-Region IV-A.

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay patuloy na sumusuporta sa pagpapalakas ng paghahayupan at pagpapalay sa ating bayan.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

 402 Total Views

Related: