MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (4th Week of July)
Published date: Jul 28, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (4th Week of July)

Sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, matagumpay na isinagawa ang lingguhang flag raising ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños noong Hulyo 28, 2025 sa Municipal Activity Area. 

Ang seremonya ay pinangunahan ng Barangay Maahas sa pangunguna ni Barangay Captain Ferdinand "Jeck" Vargas. Ibinahagi ni Barangay Councilor Bernardo Sangre Bautista ang mga mahahalagang accomplishment ng Barangay Maahas sa larangan ng serbisyong pampubliko at kaayusan sa komunidad.

Dumalo sa pagtitipon ang mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang na sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, Association of Barangay Captains (ABC) President Gaudencio Macatangay, at Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Kabilang rin sa mga dumalo ang mga Department & Unit heads, mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), at ang mga kawani ng Munisipyo.

Isang patunay ito ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Los Baños! 

 

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

#AbanteLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 930 Total Views

Related:


;