MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños activated bayanihan efforts for victims of Typhoons Dante and Emong (July 24, 2025)
Published date: Jul 28, 2025
Los Baños activated bayanihan efforts for victims of Typhoons Dante and Emong (July 24, 2025)

Sa gitna ng unos, nananatiling matatag ang puso ng serbisyo! Walang-humpay ang pagrerepack ng mga food packs para sa ating mga kababayan na lubhang naapektuhan ng Bagyong Dante at Emong.

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, katuwang ang buong Pamahalaang Bayan ng Los Baños, ay puspusan ang pagkilos upang matiyak na makarating agad ang tulong sa bawat pamilyang nasalanta. Kaagapay sa gawaing ito ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Nutrition Action Office (MNAO), Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Municipal Engineering Office (MEO), General Services Office (GSO), at iba pang tanggapan na buong pusong naglilingkod para sa kapakanan ng bawat Los Bañense.

Sa bawat food pack ay kalakip ang malasakit, pag-asa, at paninindigan ng pamahalaan na sa panahon ng pangangailangan, walang maiiwan, at lahat ay kalinga ng bayan.

#BangonDanteAtEmong

#TulongTuloyTuloy

#SerbisyongDiretsoSaTao

#BayanihanParaSaBayan

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3694 Total Views

Related:


;