MENU
Philippine Standard Time:
Unified Relief Operations for Los Baños residents affected by Typhoons Crising, Dante, and Emong (July 25, 2026)
Published date: Jul 28, 2025
Unified Relief Operations for Los Baños residents affected by Typhoons Crising, Dante, and Emong (July 25, 2026)

BAYANIHAN PARA SA BAYAN!

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, matagumpay na naisagawa nitong ika-25 ng Hulyo 2025 ang paghahanda at pag-aayos ng mga relief goods para sa ating mga kababayang nangangailangan kasama ang iba't ibang departamento ng munisipyo kabilang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Nutrition Action Office (MNAO), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), Municipal Engineering Office (MEO), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Municipal Action Center. Nag-alay sila ng oras, lakas, at puso upang matiyak na ang tulong ay maayos, sapat, at agarang maiparating sa mga apektadong pamilya.

Ang pagkakaisang ito ay patunay ng tunay na Serbisyong Diretso sa Tao, isang paalala na sa panahon ng pangangailangan, ang ating bayan ay may liderato at mamamayang handang magtulungan.

 

#ReliefOperations

#MunicipalityOfLosBaños

#SerbisyongDiretsoSaTao

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 3767 Total Views

Related:


;