OCD CALABARZON turned over 200 Hygiene Kits to LGU Los Baños (July 26, 2025)
Nitong ika-26 ng Hulyo 2025, ay opisyal na tinanggap ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang 200 sets ng hygiene kits mula sa Office of Civil Defense (OCD) CALABARZON, na pinangunahan mismo ni Regional Director Carlos at Chief Operations OCD Randy de la Paz. Kasama sa delegasyon ng LGU Los Baños sa pagtanggap nito ay sina Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson, Konsi Jay Rolusta, MDRRMO Head Cynthia Quintans, at MSWDO Head Hannah Laviña.
Ang tulong na ito ay bahagi ng patuloy na koordinasyon ng national at local government upang masigurong handa at ligtas ang bawat komunidad sa harap ng anumang sakuna o emergency. Lubos ang aming pasasalamat sa OCD CALABARZON sa mabilis at maagap na pagtugon, gayundin sa PNP personnel na tumulong sa maayos na pag-load ng mga items para sa LGU Los Baños. Tunay na sa sama-samang pagkilos at malasakit, mas nagiging matatag ang ating bayan
#HygieneKitsTurnover
#OCDCALABARZON
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
