Continuous Relief Operations for Los Baños residents affected by Typhoons Crising, Dante, and Emong (July 26, 2025)
Tuloy-tuloy pa rin nitong July 26, 2025, ang pamamahagi ng relief assistance sa mga apektadong residente ng Los Baños. Sa pamumuno ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Ms. Hannah Laviña, ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay masigasig na kumikilos upang maihatid ang kinakailangang tulong sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Bukod sa mga nasa evacuation centers, nabigyan din ng relief ang mga "underwater families" o mga residenteng nananatili sa kanilang mga bahay kahit na lubog sa tubig. Sa pakikipag-ugnayan ng MSWDO sa mga barangay at volunteers, tiniyak ng lokal na pamahalaan na makarating ang mga relief goods sa lahat ng nangangailangan. Ang ganitong pagkilos ay patunay ng malasakit at pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat pamilyang Los Bañense.
#ReliefOperations
#SerbisyongDiretsoSaTao
#TulongParaSaNasalanta
#Bayanihan
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
