Civil Society Conference in Los Baños gathered CSOs for accreditation and shared governance discussions (July 18, 2025)
PAGTIBAYIN ANG PAKIKILAHOK NG MAMAMAYAN SA PAMAHALAAN!
Ginanap noong Hulyo 18, 2025 ang Civil Society Conference sa Bayan ng Los Baños, isang mahalagang pagtitipon na nilahukan ng iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) upang talakayin ang proseso ng application for accreditation at ang kahalagahan ng kanilang partisipasyon sa mga Local Special Bodies. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga requirements, procedures, at benepisyo ng accreditation bilang opisyal na kinatawan ng mamamayan sa mga proseso ng pamahalaan.
Dumalo sa nasabing pagtitipon sina Mayor Neil Andrew Nocon, Vice Mayor Marlo PJ Alipon, Konsehal Jay Rolusta upang ipahayag ang suporta ng Sangguniang Bayan at Lokal na Pamahalaan sa mas inklusibong pamumuno. Nakiisa rin sina DILG PD Jay Beltran, MLGOO Michiko R. Escalante, at DILG Cluster Head Maria Marilyn Manrique. Sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng CSOs, mas napapalakas ang transparency, accountability, at shared governance sa bawat desisyon para sa kaunlaran ng bayan. Patunay ito na ang Los Baños ay bukas sa boses ng mamamayan at naniniwalang ang pag-unlad ay higit na napagtatagumpayan kapag ito’y sama-samang pinagtutulungan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
