MENU
Philippine Standard Time:
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of July)
Published date: Jul 22, 2025
Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of July)

Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa ikalawang Lunes ng Hulyo 2025 na ginanap sa Municipal Activity Area. Sa pamamagitan ni MDRRM Officer Cynthia Quintans ay nailahad ang mahahalagang accomplishments ng kanilang tanggapan kaugnay ng mga isinagawang hakbang sa pagtugon at paghahanda sa iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna. Kabilang dito ang mga aktibidad sa disaster preparedness, emergency response coordination, at community-based risk reduction programs na patuloy na isinusulong ng MDRRMO para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Dumalo sa nasabing seremonya at nagbigay ng kanilang buong suporta ang mga pangunahing lider ng bayan, kabilang sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Miko C. Pelegrina Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta, ABC President Gaudencio Macatangay, at SK Federation President Samantha Banasihan Ortega.

Nagpakita rin ng aktibong partisipasyon ng mga Department at Unit Heads, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang national agencies tulad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), Boy Scouts of the Philippines (BSP) at ang masisigasig na mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Ang pagtitipong ito ay isang malinaw na pagpapakita ng mahigpit na ugnayan at pagkakaisa ng lahat ng sektor mula sa pamahalaan, mga ahensya, at mamamayan para sa pagtataguyod ng isang mas ligtas at mas disiplinadong Los Baños. 

#WeeklyFlagRaisingCeremony

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 834 Total Views

Related:


;