MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños launched Heritage Walk program for aspiring Tour Guides (July 14, 2026)
Published date: Jul 14, 2025
Los Baños launched Heritage Walk program for aspiring Tour Guides (July 14, 2026)

Matagumpay na naisagawa ang unang araw ng Lakbay Los Baños Heritage Walk nitong ika-14 ng Hulyo 2025, isang makasaysayang inisyatiba na naglalayong palalimin ang kaalaman ng mga nagnanais maging lokal na tour guide sa mayamang kasaysayan, kultura, at pamanang-bayan ng Los Baños. Sa pangunguna ni Mayor Neil Andrew Nocon, Konsehal Leren Bautista (Chair ng Committee on Tourism), Municipal Tourism Office sa pamumuno ni Ms. Edmarie Calungsod, at Public Information Officer John Marvin Canaria, ginabayan ang mga kalahok sa mga piling makasaysayang pook upang ipakita ang kwento ng ating bayan, mga kwentong dapat pahalagahan, at ipagmalaki.

Lubos din ang aming pasasalamat kina Mr. Ari Halos, Mr. Gian Carlo De Jesus, Mr. Delfin Victor delos Reyes na naging katuwang sa pagsasagawa ng heritage walk tour at sa pagtuturo ng tour guiding essentials para sa mga kalahok. Ang kanilang karanasan at dedikasyon ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng gawaing ito.

Bahagi ito ng mas malawak na layunin ng bayan na paigtingin ang lokal na turismo at pagpapakilala sa makasaysayang ganda ng Los Baños, kasabay ng Lakbay Laguna program ni Gov. Sol Aragones. Sa bawat hakbang, kwento, at tanawing binisita, muling nabuhay ang diwa ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang isang komunidad na may pusong makabayan at maka-kalikasan. Ang Lakbay Los Baños ay hindi lamang lakad, ito ay karanasan, kaalaman, at katuwang sa pag-unlad! 

#LakbayLosBaños

#WalkOurHistoricalPathWAYS

#WalkAndWonderLosBaños

#ILoveLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 1125 Total Views

Related:


;