Hon. Mayor Nocon joined Hon. Governor Sol Aragones in the Traffic Management and DRRM Management Planning in Laguna (July 15, 2025)
SAMA-SAMANG PAKILOS TUNGO SA BAYAN AT LALAWIGANG MAS MAAYOS
Dumalo si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, kasama ang mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños, sa isang mahalagang pagpupulong na ginanap nitong July 15, 2025 (Martes) sa Laguna Provincial Capitol Extension Office. Pinangunahan ito ni Hon. Governor Sol Aragones kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga konkretong hakbang upang mapabuti ang daloy ng trapiko sa lalawigan, lalo na sa mga pangunahing kalsada at sentrong bayan. Nagpalitan ng pananaw ang mga lokal na opisyal ukol sa posibleng modernisasyon ng transportasyon, implementasyon ng mas maayos na traffic management systems, at koordinasyon sa mga ahensya ng pambansang pamahalaan.
Binigyang pansin rin ang kahalagahan ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) kabilang ang mas pinatibay na mga estratehiya sa pagresponde sa kalamidad, kahandaan ng mga komunidad, at koordinadong hakbang sa pag-iwas at pagbawas ng epekto ng mga sakuna.
Ang aktibong partisipasyon ni Mayor Nocon at ng MGLB ay nagpapakita ng kanilang matibay na suporta at pakikiisa sa layunin ng Pamahalaang panlalawigan na tugunan ang mga isyung patuloy na kinahaharap ng mga mamamayan, patunay na ang sama-samang pagkilos ay susi sa mas ligtas, mas maayos, at mas matatag na bayan at lalawigan.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
