MENU
Philippine Standard Time:
TINGNAN: DAIRY GOATS IPINAMAHAGI SA MGA PILING KASAPI NG SAMAHAN NG MGA MAGKAKAMBING SA BAYAN NG LOS BAÑOS
Published date: Apr 23, 2021
TINGNAN: DAIRY GOATS IPINAMAHAGI SA MGA PILING KASAPI NG SAMAHAN NG MGA MAGKAKAMBING SA BAYAN NG LOS BAÑOS

Namahagi nitong Lunes ng tatlong (3) dumalagang kambing ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Mayor Antonio "Kuya Tony" L. Kalaw sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa mga piling kasapi mula sa Samahan ng mga Magkakambing sa bayan ng Los Baños.

Ang tatlong (3) dumalagang kambing ay mga imported breed na kung tawagin ay Anglo-Nubian na kabilang sa mga all-purpose breeds o maaaring alagaan para sa karne o sa gatas.

Ang isang inahing Anglo-Nubian ay may potensyal na magbigay ng isang galong gatas kada araw na kilala rin dahil sa mataas sa butterfat content ng kanilang gatas.

Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng Animal Dispersal Program ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor kung saan ang mga nakatanggap ay kailangan magbalik ng unang anak mula sa mga hayop na kanilang tinanggap.

Ang mga kambing na kanilang ibabalik ay muli ring ipamamahagi sa iba pang miyembro ng Samahan ng mga Magkakambing sa Los Baños.

Patuloy ang pagsuporta ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pagpapalakas ng industriya ng pagkakambing sa ating bayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga upgraded breeds, mga libreng gamot at iba pang serbisyong makatutulong sa ating mga magkakambing.

#SerbisyongTotooDiretsoSaTao

 428 Total Views

Related: