Hon. Mayor Nocon visited the Typhoon Crising affected the areas in Los Baños (July 19, 2025)
PAGTUGON SA PANAHON NG PANGANIB
Bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Lalakay Libis upang personal na masuri ang mga nasirang poste at mga binahang bahagi ng lugar dulot ng Bagyong #CrisingPH nitong Hulyo 19, 2025.
Sa kanyang direktiba, agarang inaksyunan ang mga tumumbang poste upang maiwasan ang posibleng disgrasya at matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa lugar. Katuwang ang mga kaukulang tanggapan, isinagawa ang mabilis na pagtugon upang maibalik ang kaayusan at seguridad sa komunidad.
Sa panahon ng sakuna, binigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na pagkilos at koordinadong pagtugon. Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang layuning magkaroon ng ligtas, handa, at matatag na Los Baños sa harap ng anumang kalamidad.
#CrisingPH
#DisasterPreparedness
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
