MENU
Philippine Standard Time:
Hon. Mayor Nocon as Guest Speaker for the Training and Educational Program for DOJ Prosecutors and Law Enforcement Agents (TEPLEA) 2025 (July 17, 2025)
Published date: Jul 21, 2025
Hon. Mayor Nocon as Guest Speaker for the Training and Educational Program for DOJ Prosecutors and Law Enforcement Agents (TEPLEA) 2025 (July 17, 2025)

PAGTITIBAY NG HUSTISYA AT SERBISYONG BAYAN SA LAGUNA! 

Isang malaking karangalan para sa Bayan ng Los Baños na maimbitahan si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon bilang panauhing tagapagsalita sa TEPLEA 2025 o Training and Educational Program for DOJ Prosecutors and Law Enforcement Agents nitong ika-17 ng Hulyo 2025. Ang makabuluhang pagtitipong ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Department of Justice at mga fiscal lawyers mula sa iba’t ibang panig ng Laguna, na layuning palalimin ang kaalaman at pagtutulungan tungo sa mas epektibong pagpapatupad ng batas.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga tagapagpatupad ng batas, at mga tagausig upang mapanatili ang hustisya at kaayusan sa mga komunidad. Ipinahayag rin niya ang suporta ng Los Baños sa mga inisyatibang nagsusulong ng integridad, propesyonalismo, at makataong paglilingkod para sa mas ligtas at makatarungang lipunan.

#TEPLEA2025

#DOJLaguna

#SerbisyongDiretsoSaTao

 

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 770 Total Views

Related:


;