Hon. Mayor Nocon as Guest Speaker for the 2025 Graduation Ceremony of the UPLB College of Human Ecology (July 16, 2025)
MULA SA UPLB HUMAN ECO, NGAYO’Y LIDER NA NAGLILINGKOD NG TOTOO!
Ikinararangal ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños na si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang naging panauhing pandangal sa Pagtatapos ng College of Human Ecology sa University of the Philippines Los Baños (CHE-UPLB) na ginanap nitong July 16, 2025 sa makasaysayang Charles Fuller Baker Memorial Hall.
Bilang isang mapagmamalaking alumnus ng nasabing kolehiyo, ibinahagi ni Mayor Nocon ang kanyang makabuluhang karanasan bilang isang mag-aaral ng Human Ecology at kung paanong ang disiplina at kaalaman na kanyang natutunan ay naging matibay na pundasyon sa kanyang paglilingkod sa bayan.
Sa kanyang talumpati, pinasigla niya ang mga bagong nagtapos na yakapin ang responsibilidad ng pagiging iskolar ng bayan, maging makatao, makakalikasan, at makabayan sa kanilang magiging propesyon at adbokasiya.
Isang inspirasyon si Mayor Nocon hindi lamang sa mga nagtapos kundi pati na rin sa buong komunidad ng Human Ecology bilang patunay ng tagumpay ng isang lider na nagsimula bilang isang iskolar ng bayan.
Isang pagbati sa lahat ng nagsipagtapos! Mabuhay ang mga Iskolar ng Bayan! Mabuhay ang Bayan ng Los Baños!
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
