MENU
Philippine Standard Time:
Strengthened youth capability and preparedness through partnership with the Boy Scouts of the Philippines (BSP) Los Baños (July 14, 2025)
Published date: Jul 17, 2025
Strengthened youth capability and preparedness through partnership with the Boy Scouts of the Philippines (BSP) Los Baños (July 14, 2025)

UGNAYAN PARA SA PAGPAPALAKAS NG KAKAYAHAN AT KAHANDAAN NG MGA KABATAAN 

Matagumpay na isinagawa ang isang makabuluhang pagpupulong sa pagitan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon at ng mga opisyal at kawani ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) nitong July 14, 2025 (Lunes) sa Pamahalaang tanggapan. Tinalakay sa nasabing pulong ang mga kasalukuyang programa ng BSP, mga planong aktibidad para sa kabataang Los Bañense, at mga posibilidad ng mas malalim na kolaborasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng scouting organization. 

Bilang tagapagsulong ng kabataang may disiplina, liderato, at malasakit sa bayan, kinikilala ni Mayor Nocon ang mahalagang papel ng BSP sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mga lider sa komunidad. Ipinahayag niya ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa mga proyekto ng BSP na naglalayong palakasin ang karakter at kakayahan ng mga kabataan. 

Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatibo, patuloy ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga institusyong pangkabataan tungo sa isang mas matatag, mas aktibo, at mas responsableng pamayanan.

#BoyScoutsOfThePhilippines

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 709 Total Views

Related:


;