MENU
Philippine Standard Time:
Lakbay Los Baños Tour highlighted Heritage and Cultural Sites with MGLB Officials and the Los Baños Tourism Council (July 14, 2026)
Published date: Jul 16, 2025
Lakbay Los Baños Tour highlighted Heritage and Cultural Sites with MGLB Officials and the Los Baños Tourism Council (July 14, 2026)

LAKBAY LOS BAÑOS: Paglalakbay Tungo sa Kasaysayan at Kultura ng Bayan!

Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng turismo at makasaysayang kamalayan sa Bayan ng Los Baños, matagumpay na isinagawa ang Lakbay Los Baños Tour sa mga piling key heritage sites ng Barangay Bambang at Barangay Baybayin. Pinangunahan ito ni Hon. Neil Andrew Nocon, kasama ang miyembro ng Sangguniang Bayan: Konsehal Leren Bautista, Konsehal Miko Pelegrina, at Konsehal Myla Alinsunurin, katuwang ang Los Baños Tourism Council, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang bayan.

Nakiisa rin sa makabuluhang paglalakbay sina Municipal Tourism Officer Edmarie Calungsod, Municipal Engineer Ricky Estopace, at Public Information Officer John Marvin Canaria, na siyang naging katuwang sa dokumentasyon at pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng mga pamana ng kasaysayan sa ating bayan.

Layunin ng Lakbay Los Baños na tuklasin, palawakin, at higit pang kilalanin ang mga natatanging lugar at kwento na bumubuo sa mayamang kultura at kasaysayan ng Los Baños. Mula sa mga makasaysayang estruktura at tanawin, hanggang sa mga lokal na kwentong nagpapakilala sa ating pagkakakilanlan bilang isang komunidad ang tour na ito ay hakbang patungo sa higit na promosyon ng kultural na turismo at responsableng pamamahala ng pamanang lokal.

Sa pamamagitan ng ganitong inisyatibo, nais ipakita ng Pamahalaang Bayan na ang turismo ay hindi lamang tungkol sa paglalakbay, kundi isang makabuluhang pagbabalik at pagkilala sa ating pinagmulan, kasabay ng pagsulong sa mas progresibo, makabago, at matatag na Los Baños.

#LakbayLosBaños

#HeritageTour

#KulturangLB

#TurismoParaSaProgreso

#LosBañosTourism

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 816 Total Views

Related:


;