Ocular inspection for immediate water supply solutions at the University of the Philippines Open University in collaboration with Laguna Water (July 11, 2025)
MASUSING INSPEKSON PARA SA KONRETONG SOLUSYON AT AKSYON
Isinagawa nitong July 11, 2025 (Biyernes) ang okular na inspeksyon ni Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon sa University of the Philippines Open University (UPOU) upang personal na silipin ang kalagayan ng suplay ng tubig sa unibersidad at mga karatig na lugar.
Kasama sa inspeksyon ang mga kinatawan mula sa Laguna Water, na katuwang ng Pamahalaang Bayan sa pagtugon sa mga isyung may kinalaman sa tubig. Layunin ng kanilang pagbisita na matukoy ang mga suliranin sa daloy ng tubig at agad na makahanap ng mga konkretong solusyon para sa kapakanan ng komunidad.
Ang Pamahalaan ng Los Baños, sa pamumuno ni Mayor Nocon, ay patuloy na nagsusulong ng responsableng pamamahala ng mga pangunahing serbisyo para matiyak ang kaginhawaan at kaligtasan ng bawat isa.
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
