MENU
Philippine Standard Time:
Los Baños celebrated Nutri Cookfest 2025 highlighting food and nutrition security through healthy local cuisine (July 15, 2025)
Published date: Jul 16, 2025
Los Baños celebrated Nutri Cookfest 2025 highlighting food and nutrition security through healthy local cuisine (July 15, 2025)

LOS BAÑOS NUTRI COOKFEST 2025 

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng 51st Nutrition Month, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Nutri Cookfest 2025 na may temang “Food and Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” 

Tampok sa makulay at masarap na pagtitipon ang husay sa pagluluto ng ating mga senior citizens mula sa iba’t ibang barangay ng Los Baños, kung saan ang pangunahing sangkap ng mga inihandang putahe ay ang masustansyang kamote, isang likas at lokal na sangkap na sagana sa nutrisyon. Layunin ng aktibidad na hikayatin ang paggamit ng abot-kayang pagkain upang maisulong ang malusog na pamumuhay, habang binibigyang-halaga ang galing at karanasan ng ating mga nakatatanda.

Ito ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Pamahalaang Bayan ng Los Baños, mga opisyal ng barangay, nutrition officers, health consultants, Barangay Nutrition Scholars (BNS), at iba’t ibang sektor ng komunidad. Kabilang sa mga dumalo ay sina Municipal Administrator Atty. Virgilio Tiongson, na kumatawan kay Mayor Neil Andrew Nocon, kasama sina Konsehal Jay Rolusta, Ms. Madeleine Alforja na Municipal Nutrition Action Officer, at Dr. Mary Cerezo, Nutrition Consultant. Ang kanilang presensya ay patunay ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon para sa lahat, lalo na sa ating mga senior citizens. Matapos ang masigla at makabuluhang paligsahan, itinanghal na kampeon ang Barangay Baybayin bilang 1st Place, sinundan ng Barangay Mayondon sa 2nd Place, at Barangay Bayog sa 3rd Place. 

Isang malaking pagbati sa lahat ng lumahok at sumuporta! Muli nating pinatunayan na sa tulong ng sama-samang pagkilos at pagpapahalaga sa tamang nutrisyon, kaya nating bumuo ng isang mas malusog, mas masigla, at mas matatag na Bayan ng Los Baños!

#NutriCookfest2025

#51stNutritionMonth

#KamoteParaSaKalusugan

#LosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 780 Total Views

Related:


;