Tribute to Courage and Service: Hon. Mayor Neil Andrew Nocon as Guest Speaker at the 4th Regional Community Defense Group (RCDG) Graduation Ceremony in Camp Macario Sakay, Los Baños, Laguna (July 11, 2024)
PAGPUPUGAY SA MGA BAGONG HALIGI NG TAPANG, DANGAL, AT PAGSISILBI
Isang karangalan para kay Mayor Neil Andrew Nocon ng Los Baños na maimbitahan bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita sa Pagtatapos ng mga bagong reservists ng 4th Regional Community Defense Group (RCDG) na ginanap noong Hulyo 11, 2024 sa Camp Macario Sakay, Los Baños, Laguna.
Sa kanyang makabuluhang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang mahalagang papel ng mga reservists sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at katatagan ng komunidad. Kanyang pinarangalan ang dedikasyon ng mga nagtapos sa paglalaan ng kanilang sarili para sa bayan, kahit sa panahon ng panganib at sakripisyo.
Nagpahayag din si Mayor Nocon ng buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga inisyatibong nagpapalakas sa ugnayan ng militar at sibilyan na mahalagang salik sa mas ligtas at mas progresibong pamayanan. Ang kaganapang ito ay patunay ng patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa mga ahensiyang nagsusulong ng seguridad at kaayusan para sa kapakanan ng mamamayan. Mabuhay ang mga magigiting na lingkod ng bayan!
#4thRegionalCommunityDefenseGroup
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
