Advancing agricultural innovation through partnership with IRRI for sustainable development in Los Baños (July 11, 2025)
UGNAYAN SA AGRIKULTURA AT AGHAM, PARA SA KAUNLARAN NG BAYAN
Isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pangunguna ni Hon. Neil Andrew Nocon, kasama ang mga kinatawan ng International Rice Research Institute (IRRI) nitong July 11, 2025 upang talakayin ang joint ventures na magpapalalim sa ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng pandaigdigang institusyon sa pananaliksik sa agrikultura.
Sa pagpupulong ay napagusapan ang mga proyektong naglalayong palakasin ang agrikulturang nakabatay sa agham at makabago, maglunsad ng mga programang pangkaunlaran para sa mga mamamayan ng Los Baños, at higit sa lahat, tiyakin ang matibay na kooperasyon tungo sa isang mas progresibong bayan.
Ang kolaborasyong ito ay patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang lokal sa pagsuporta sa sustainable development, edukasyon, at siyensiya, na siyang tunay na tatak ng bayan ng Los Baños bilang isang Science and Nature City.
Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, binubuo natin ang isang mas matatag, mas makabago, at mas maunlad na hinaharap, para sa bayan, para sa agham, at para sa bawat pamilyang Los Bañense
#InternationalRiceResearchInstitute
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
