Weekly Flag Raising Ceremony (2nd Week of July)
Sa ikalawang Lunes ng Hulyo 2025, ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Los Baños ay pinangunahan ng Anti-Drug Abuse Office (ADAO). Sa pamamagitan ni ADAO Head Shirley Andrade ay naiulat ang mga tagumpay at inisyatibong naisakatuparan ng kanilang tanggapan sa patuloy na laban kontra ilegal na droga sa ating bayan. 

Dumalo at nagpahayag ng suporta sina Hon. Mayor Neil Andrew N. Nocon, Hon. Vice Mayor Marlo PJ A. Alipon, at mga kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan kabilang sina Hon. Miko C. Pelegrina, Hon. Aldous Amiel B. Perez, Hon. Muriel Laisa B. Dizon, Hon. Leren Mae M. Bautista, Hon. Benedicto S. Alborida, Hon. Rand Edouard R. De Jesus, Hon. Myla E. Alinsunurin, Hon. Jay A. Rolusta at ABC President Gaudencio Macatangay. 
Kabilang rin sa mga dumalo ang mga Department & Unit heads, mga kinatawan mula sa DILG, PNP, BFP, BJMP, PCG, BSP at ang masisipag na kawani ng Munisipyo. 
Isang patunay ang pagtitipong ito ng pagkakaisa ng bawat sektor tungo sa mas ligtas, mas disiplinado, at mas maunlad na Los Baños! 
#WeeklyFlagRaisingCeremony
#MunicipalityOfLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
