Hon. Mayor Nocon's first meeting with the Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWD) Inc.
INKLUSIBIDAD AT OPORTUNIDAD, HANDOG SA KOMUNIDAD 
Isinagawa nitong July 9, 2025 (Miyerkules) ang kauna-unahang pormal na pagpupulong ng bagong halal na Punong Bayan, Hon. Neil Andrew Nocon, kasama ang Los Baños Federation of Persons with Disabilities (LBFPWD) Inc. Sa diwa ng inklusibidad at pagkakapantay-pantay, tinalakay sa pulong ang mga pangunahing adhikain, pangangailangan, at mga programang isusulong para sa kapakanan ng sektor ng may kapansanan. 

Bilang bahagi rin ng pagtitipon, isinagawa ang panunumpa ng katungkulan ng bagong hanay ng mga opisyal ng LBFPWD, na pinangunahan mismo ni Mayor Nocon. Buo ang kanyang suporta at pangako na magiging katuwang sila sa pagpapatupad ng mga proyektong tunay na makatutulong sa bawat kasapi ng samahan. 
Isang panibagong yugto ng pagkakaisa, pagtutulungan, at tunay na malasakit para sa kapwa ang ating sinimulan. Mabuhay ang Federation of Persons with Disabilities! Mabuhay ang bayan ng Los Baños! 

#LosBañosFederationOfPWD
#MunicipalityOfLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
