MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Nocon's first meeting with Chief Barangay Tanods
Published date: Jul 14, 2025
Mayor Nocon's first meeting with Chief Barangay Tanods

MAHIGPIT NA PAGTUTULUNGAN, PARA SA KALIGTASAN NG BAYAN 🤝

Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong July 9, 2025 (Miyerkules) ang isang mahalagang pagpupulong sa kanyang tanggapan kasama ang Hepe ng mga Barangay Tanod ng Los Baños upang talakayin ang mga estratehiya at hakbang na makatutulong sa pagpapalakas ng seguridad at kaayusan sa bawat barangay ng Los Baños. 🕊️

Binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng mga barangay tanod sa pagtutok sa kaligtasan at kapakanan ng bawat residente sa Los Baños. Ayon sa kanya, ang mga tanod ang mga mata at tainga ng lokal na pamahalaan sa bawat barangay, kaya’t ang kanilang papel ay hindi lamang mahalaga kundi kritikal sa pagtutok sa mga isyu ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. 🚔

Ang pagpupulong na ito ay isang patunay ng determinasyon ng Lokal na Pamahalaan na gawing mas ligtas at mas maayos ang bawat barangay para sa mga residente ng Los Baños. ✨

#MeetingWithChiefBarangayTanods

#MunicipalityOfLosBaños

 432 Total Views

Related:


;