MENU
Philippine Standard Time:
24th Bañamos Festival Initial Meeting
Published date: Jul 14, 2025
24th Bañamos Festival Initial Meeting

PAPAPARATING NA 24TH FESTIVAL NG BAÑAMOS, PINAGHAHANDAAN NA SA LOS BAÑOS! 🎉

Matagumpay na isinagawa nitong July 10, 2025 (Huwebes) sa Los Baños Municipal Conference Room ang inisyal na pagpupulong ng mga komite para sa nalalapit na pagdiriwang ng 24th Bañamos Festival. 🎊

Ang ating Punong Bayan, Hon. Neil Andrew Nocon ang nanguna sa pagtitipon at dinaluhan ito nila Hon. Vice Mayor Marlo Alipon, Hon. Councilor Myla Alinsunurin, Hon. Leren Mae Bautista, Hon. Councilor Mec Dizon, Hon. Councilor Rand De Jesus, Hon. Councilor Benedicto Alborida, Hon. Councilor Aldous Perez, Hon. Councilor Miko Pelegrina, at Hon. Councilor Jay Rolusta. Nakiisa rin ang Department at Unit Heads, DILG, PNP, BFP, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan. ✨

Tinalakay sa pagpupulong ang mga pangunahing aktibidad, tema, at mga inisyatibong isusulong ngayong taon upang higit pang itampok ang makulay na kultura, kasaysayan, at likas na yaman ng bayan ng Los Baños. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat tanggapan at sektor upang matiyak ang maayos, ligtas, at makabuluhang pagdiriwang para sa buong komunidad. 🎉

Binigyang-pugay ni Mayor Nocon ang dedikasyon ng mga dumalo at hinikayat ang lahat na magkaisa para sa isang mas makulay at makasaysayang Bañamos Festival ngayong taon. Simula pa lamang ito ng mas malawak na paghahanda, at inaasahang mas marami pang koordinasyon at pagtutulungan sa mga susunod na linggo. 🤝

Abangan ang 24th Bañamos Festival — isang pagdiriwang ng kasaysayan, kultura, at pagkakaisa ng mga taga-Los Baños! 🌊🌺

#24thBañamosFestival

#MunicipalityOfLosBaños

 1161 Total Views

Related:


;