Courtesy Call of Los Baños Municipal Cooperative Development Council (LBMCDC) & Cooperative Development Authority (CDA) with Mayor Nocon
LAKAS NG KOOPERATIBA, MAGPAPABUTI SA EKONOMIYA 
Ginanap ang courtesy call ng Los Baños Municipal Cooperative Development Council (LBMCDC) at ng Cooperative Development Authority (CDA) kay Hon. Mayor Neil Andrew Nocon nitong July 9, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Room. Ipinangako ng mga kinatawan at mga miyembro ang kanilang pagsuporta kay Mayor Nocon upang mapalakas ang sektor ng kooperatiba at matulungan ang lokal na komunidad na magtaguyod ng mga pangmatagalang pagkakakitaan. 
Sa kanyang pagtanggap, binigyang-pugay ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng kooperatiba bilang isang instrumento sa pag-unlad ng ekonomiya sa Los Baños. Ayon kay Mayor Nocon, ang mga kooperatiba ay may malaking papel sa pagbibigay ng kabuhayan at suporta sa mga residente, lalo na sa mga maliliit na negosyante. 
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kasalukuyang proyekto ng LBMCDC at CDA, kabilang na ang pagpapalawak ng mga kooperatibang nagsusulong ng agrikultura, turismo, at mga serbisyong pampinansyal. 
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Nocon sa kanilang inisyatiba at ipinagpatuloy ang kanyang pangako na susuportahan ang bawat kooperatiba na may malasakit sa pag-unlad at pag-aangat ng kabuhayan ng bawat mamamayan ng Los Baños.
#MeetingWithLosBañosCooperatives
#LosBañosMunicipalCooperativeDevelopmentCouncil
#CooperativeDevelopmentAuthority
#MunicipalityOfLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
