MENU
Philippine Standard Time:
Hon. Mayor Nocon visits Los Baños Ambulatory Clinic and Urgent Care Center & HealthServ Los Baños Medical Center
Published date: Jul 11, 2025
Hon. Mayor Nocon visits Los Baños Ambulatory Clinic and Urgent Care Center & HealthServ Los Baños Medical Center

MAS PINABUTING SERBISYONG PANGKALUSUGAN, HANDOG SA BAWAT MAMAMAYAN 🎉

Nagsagawa ng isang makabuluhang pagbisita nitong July 9, 2025 (Miyerkules), ang ating Punong Bayan, Hon. Mayor Neil Andrew Nocon, sa Los Baños Ambulatory Clinic & Urgent Care Center (Infirmary) at HealthServ Los Baños upang personal na alamin ang kalagayan ng mga serbisyong pangkalusugan sa ating bayan. Sa kanyang pagdating, siya ay sinalubong ng ating Municipal Health Officer, Dr. Alvin Isidoro, iba pang opisyal, at mga staff ng nasabing mga pasilidad. 🏥

Sa kanyang pag-inspeksyon, binigyang-diin ni Mayor Nocon ang kahalagahan ng pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bawat residente, partikular sa mga nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Ayon sa kanya, tinitiyak niyang ang bawat pasyente ay makakatanggap ng mabilis at tamang pangangalaga sa mga pasilidad ng Los Baños. Kasama sa mga inilahad niya ang mga plano upang mapabuti ang imprastruktura ng mga pasilidad, at mapalawak pa ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng bayan. 🥰

Sa patuloy na dedikasyon at malasakit ni Mayor Nocon, tiyak na magiging mas malusog at mas masigla ang ating bayan. Sama-sama, ating itaguyod ang mas pinabuting inisyatibong pangkalusugan para sa ikabubuti ng bawat mamamayan! ✨

#VisitAtAmbulatoryClinic

#VisitAtHealthServLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

 590 Total Views

Related:


;