Coordination Meeting for Anti-Urban Blight Measures in Los Baños
KALSADANG MAAYOS AT MAALIWALAS PARA SA BIYAHENG MAS LIGTAS
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang Coordination Meeting ukol sa mga hakbang laban sa Urban Blight nitong July 9, 2025 (Miyerkules) sa Municipal Conference Hall. Tinalakay sa pagpupulong ang mga konkretong aksyon para sa pagpapabuti ng kaayusan at kaligtasan sa ating bayan. Kabilang na rito ang isasagawang operasyon ng cable cutting at pagsasaayos ng mga mababang kable sa kahabaan ng national highway.
Layunin ng inisyatibong ito na bawasan ang panganib ng mga insidenteng may kinalaman sa poste at mga kable, at sa parehong pagkakataon, mapaganda ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtanggal ng visual clutter na dulot ng nagkakapatong-patong na mga linya ng kuryente at telekomunikasyon.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga pangunahing kinatawan mula sa mga pribadong institusyon at iba't ibang sektor ng lokal na Pamahalaan kabilang ang Municipal Administrator, Chief of Staff, Municipal Planning and Development Officer, Municipal Engineer, at mga kinatawan mula sa MERALCO kasama ang contractor nitong Miescor-UAM. Nakiisa rin ang iba’t ibang kumpanya ng telekomunikasyon tulad ng Globe, Royal Cable, PT&T, PLDT/Smart, at ETPI/Enertel. Nakiisa rin ang mga opisyal ng barangay mula sa Lalakay, Bambang, Anos, Batong Malake, San Antonio, at Maahas.
Ang hakbang na ito ay patunay ng sama-samang pagkilos tungo sa isang mas ligtas, mas maayos, at mas magandang Los Baños para sa lahat.
#AntiUrbanLBlightMeasures
#CoordinationMeeting
#MunicipalityOfLosBaños
Related:
-
Most Viewed Article
