MENU
Philippine Standard Time:
DepEd Los Baños strengthened partnership with the Municipal Government for enhanced education programs (July 9, 2025)
Published date: Jul 10, 2025
DepEd Los Baños strengthened partnership with the Municipal Government for enhanced education programs (July 9, 2025)

PAGTUTULUNGAN NG MGA INSTITUSYON, MAS PINAGTIBAY NA LANDAS NG EDUKASYON. 

Isang mainit na courtesy call ang isinagawa ng Department of Education (DepEd) Los Baños sa pamumuno ni Gng. Soledad Villanueva, District Supervisor, bilang pakikiisa at pagpapakilala sa bagong halal na Punong Bayan ng Los Baños, Hon. Neil Andrew N. Nocon. Ginanap ito nitong July 9, 2025 (Miyerkules) sa Lopez Elementary School. 

Layunin ng pagtitipong ito ang pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at sektor ng edukasyon upang higit pang mapalakas ang suporta sa mga programang pangkarunungan sa bayan. Dumalo sa naturang pagpupulong ang mga School Heads mula sa iba’t ibang pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan ng Los Baños. 

Nagpahayag ng pasasalamat si Mayor Nocon sa tiwalang ipinakita ng DEPED at tiniyak niya ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa mga adhikain ng sektor ng edukasyon. Samantala, ipinahayag din ni District Supervisor Villanueva ang kahandaan ng DepEd na makipagtulungan para sa mas dekalidad at inklusibong edukasyon para sa kabataan. 

Isang hakbang tungo sa mas matibay na ugnayan at isang panimula ng mas progresibong edukasyon para sa bayan. 

#CourtesyCallOfDepEd

#DepEdLosBaños

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 

 1010 Total Views

Related:


;