Strengthening nationalism and child welfare through Daycare and nutrition initiatives in Los Baños (July 8 and 9, 2025)
MAKABANSA AT MALUSOG NA KINABUKASAN PARA SA KABATAAN
Hatid ang kanyang adbokasiya para sa edukasyon at kabataang makabayan, bumisita si Hon. Mayor Neil Andrew Nocon sa Daycare Centers at Rural Improvement Club (RIC) ng Barangay Bayog at Barangay Tuntungin-Putho nitong July 8 and 9, 2025 (Martes at Miyerkules). Layunin ng kanyang pagdalaw ang makausap at makilala nang personal ang mga batang mag-aaral, gayundin ang kanilang mga guro at mga magulang, na siyang katuwang sa paghubog ng susunod na henerasyon ng mamamayan.
Sa kanya pagbisita, muling namahagi si Mayor Nocon ng mga Flag Posters o poster ng Pambansang Watawat ng Pilipinas. Bahagi ito ng kanyang kampanya upang maitanim sa murang edad ang pagpapahalaga sa ating bandila at sa mga simbolo ng pambansang pagkakakilanlan. Naniniwala ang ating Punong Bayan na sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang, mas mapapalalim ang kaalaman ng kabataan sa kanilang pagka-Pilipino at mapalalakas ang diwa ng nasyonalismo.
Bukod sa edukasyonal na layunin, naghatid din si Mayor Nocon ng bigas bilang suporta sa nutrisyon ng mga bata. Ayon sa kanya, ang wastong nutrisyon ay mahalagang sangkap sa pagkatuto at pag-unlad ng kabataan. Ipinaalala rin niya ang kahalagahan ng balanseng pagkain at tamang pangangalaga sa kalusugan ng mga bata, lalo na sa mga unang taon ng kanilang pag-aaral.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Nocon sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kabataan, residente at opisyal ng mga barangay. Hinihikayat niya ang lahat na magkaisa sa layuning magtaguyod ng isang makabayan, malusog, at may kaalamang kabataan na syang haligi ng kinabukasan ng ating bayan.
#DayCareCentersOfLosBaños
#RICBayogAndTuntinginPutho
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
