Mayor Neil Andrew Nocon led first meeting with Sangguniang Kabataan (SK) to Empower Youth Participation in Governance (July 7, 2025)
KATUWANG ANG KABATAAN SA PAGSULONG NG BAYAN!
Pinangunahan ni Hon. Mayor Neil Andrew Nocon ang unang pagpupulong kasama ang mga Sangguniang Kabataan (SK) Chairperson mula sa iba't ibang barangay ng Los Baños nitong ika-7 ng Hulyo 2025 upang tiyakin na ang boses ng kabataan ay maririnig at mapapahalagahan. Isang makasaysayang pagtitipon kung saan ay nagtagpo ang lakas ng kabataan at ang bagong pamunuan, sabay-sabay na naglatag ng mga plano para sa mas inklusibong pamahalaan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga programang nakatuon sa kabataang liderato, edukasyon, kalusugan, sports, at kabuhayan. Pinakinggan ng ating Punong Bayan ang mga mungkahi at adhikain ng bawat SK bilang pagkilala sa mahalagang papel ng kabataan sa pagpapatakbo at pagpapalago ng komunidad.
Sa pagtutulungan ng SK at ng lokal na pamahalaan, sisiguraduhin ni Mayor Nocon na magiging mas epektibo ang mga programa para sa kabataan. Ayon kay sa kanya, ang kabataan ay hindi lamang tagamasid kundi may mahalagang papel sa pagbuo ng mas maunlad na bayan. Sila ang susunod na henerasyon ng liderato at ang pag-asa ng ating kinabukasan.
#1stMeetingWithSKLosBaños
#SangguniangKabataan
#MunicipalityOfLosBaños
| via CJSA/ PIO-MGLB
Related:
-
Most Viewed Article
