MENU
Philippine Standard Time:
Mayor Neil Andrew Nocon held first meeting with Barangay Captains to strengthen community coordination and development (July 7, 2025)
Published date: Jul 8, 2025
Mayor Neil Andrew Nocon held first meeting with Barangay Captains to strengthen community coordination and development (July 7, 2025)

PINALAKAS NA UGNAYAN PARA SA MAS MAUNLAD NA BAYAN! 

Pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan, Hon. Neil Andrew Nocon, ang unang pagpupulong kasama ang mga Barangay Captains sa bayan ng Los Baños upang maglatag ng direksyon para sa mas malalim na ugnayan at mas sistematikong koordinasyon sa bawat barangay. Para kay Mayor Nocon, ang tunay na progreso ng bayan ay nakasalalay sa pagkakaisa at pagkakaroon ng epektibong kolaborasyon sa mga komunidad. 

Sa bawat hakbang ng pagtutulungan, mas pinalalakas natin ang komunidad at ang buong bayan ng Los Baños. Ang bawat ideya at bawat hakbang na isinagawa ay patunay ng tunay na malasakit sa bawat Los Bañense. 

Ating patuloy na isulong ang pagpapalawak ng mga serbisyong makatao at makabago para sa lahat. Sama sama tayo sa pagbuo ng isang mas maginhawa at mas maunlad na bayan ng Los Baños! 

#1stMeetingWithBarangayOfficials

#MunicipalityOfLosBaños

 

| via CJSA/ PIO-MGLB

 731 Total Views

Related:


;